Tagalog Poetry"Liham"

in tagalog-poetry •  5 months ago


"liham"

Munting papel inilagay ko roon
Mensahe ko sayo sa haba ng panahon
Ito'y tahimok ngunit may dalang inspirasyon
Sa bukas ng iyong pagbangon
Nais kong ito'y iyong mabasa
Sapagkat and nait nito'y sumalita
Sa aking kalayuan, magsisilbi mong takbuhan
Kung ika'y nalulungkot o natatakot man
Bawat letra'y aking handog sayo
Ukit na ukit mula sa puso ito
Ang papel na nasulatan ko ay kukupas din
Ngunit ang nilalaman nito'y mananatili parin
Pusong mga uhaw sa piling ng minamahal
Ang mabasa ang nilalaman nito'y aking dasal
Liham naisulat ko na kaytagal
Sana'y di tayo mabubuwal
Distansya at kalungkutan, pagkat ika'y mahal


src

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!