Tagalog poetry "Bangis"

in tagalog-poetry •  2 months ago


bangis

Sa gitna ng kalikasan
May naghaharing nilalang
Tapang ay mahirap tumbasan
Mga matang nakakatakot tignan
Sa sobrang lakas ng pandinig
Kung tumakbo ay mabilis
Hari ng gubat at kahit saan
Walang aatrasan
Pagkat nasaisip nya mahina ang kalaban
Siya'y talagang lamang
Di mo maiiwasang siya'y pagmasdan
Pagkat sa loob niya nag aalab na halimaw
Hilamaw na dumudungaw
Kapag siya'y galit o nagtatampisaw
Sa ulan ng problema't ginaw
Lahat malalampasan pagkat uhaw
Uhaw sa panalo kahit agrabyado
Uhaw sa talino kahit walang libro
Uhaw sa tagumpay kahit kapalit ay buhay
Uhaw ang bangis kahit mahuirap ang magtiis


imgsrc

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!