Tagalog Poetry "Byahe"

in tagalog-peotry •  3 months ago

"Byahe"

Halina't makita ang mundosa pagsakay
Iwanan na ang bahay at ang lantay
Nang sa ganun makikilala ang liwanag ng buhay
Sa ating paglalakbay
Bitbitin ang inyong mgaisip at ito'y buksan
Sa hiwaga na ating mamasdan
Para bang panaginip ang iyong masisilayan
Bangon kana at lisanin ang iyong nakasanayan
Tumayo at yumapak na sa bukasan
Na hinding-hindi mo pagsisihan
Di mo maipapaliwang ang aliw na dala nito
May takot sa isip mo? ngunit sabi ko sayo
May nag-aantay na premyo sa dulo
Nais mo pa bang huminto?
Walang kararatingan ang lumiliko
Kaya't subikin ang di mo nasubukan
At harapin ng harapan
Ang mga nais mong makamtan
Na kahit minsan di mo inasahan


src

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

amazing post loved it hoping to see more from you

guyssss i am a food blogger follow me to get unbelievable facts regarding health